Sunday, June 27, 2010

Ano ang gamot sa pusong sugatan?



Hindi sa pamamagitan ng pag-aalis ng puso. Hindi paghihiwalay. Kapag napilay ang isang paa, hindi mo ito tinatanggal; gagawa ka ng ibang paraan upang gumaling ito. Ganyan ang pagpapatawad.


Ang pagpapatawad, tulad ng pag-ibig, ay desisyon, hndi damdamin. Ang pagpapatawad ay nagbibigay ng laya sa isang tao upang sya ay magbago. Ang pagpapatawad ay nagbibigay ng habag at kagandahang-loob sa isang taong nagkasala khit hindi sya karapat-dapat. Ang pagpapatawad ay hindi nakasentro sa kung ano ang ginawang masama sa atin kung. Ang pagpapatawad ay pinakadakilang pagpapahayag ng pag-ibig.

No comments: